My IIWCC certification journey
My IIWCC certification journey
After college of nursing graduation, ito na pinaka mahirap kung journey aral wise dahil sa kapal ng pages na kailangan basahin at gawan ng reaction paper and syempre the final research in order to pass the course.
Di biro ang language ng wound care dahil ang BSN curicullum ay wala lahat para maging madali sana kaso totally foreign lahat even the technical words sa phases ng wound healing nganga!!
Wala pa AI noon at naka check lahat ng sinasubmit namin sa plagiarism checker kaya dusa kasi manual at 4am na ako natatapos at tulog lang konting oras bago ifinal proof reading then submit.
Walang pwede umistorbo sa akin dahil mawawala ang thought process ko lalo na sa part ng silver comparative review at ang nagpainis sa akin dahil hindi ko maintindihan ng una, 3x ko binasa cover to cover, lintik na compression therapy na yan 600 pages tapos 10pages lang ang analysis!!!
Ang tanging advantage ay lahat ng advance dressing ay available sa UAE kaya kapag binanggit ang category ay alam kona. Di na ako nahirapan sa part na un kasi ginagamit na natin dun.
Bakit ako nag take ng course na ito at maging legitimate educator?
Lahat ng OFW especially sa middle east nag work ay walang kasiguruhan sa aming work lalo sa private company kasi anytime pwede ka sipain at pag initan or worst di maganda ang company. Kaya back up plan ko ito incase na mapalipat ng bansa or umuwi ng pinas ay meron akong hawak na bala.
Bukod dito, malupit, pintasero, at laitero ang PINOY hahaha aminin nyo kapag meron nagmamarunong sa online na ang lagi tanong ay who u? Ano meron ka? Why kami makikinig sayo? Kaya when i saw the profile of our professor and lecturer ay nagulat ako sa heavy ng kanilang qualification and yun nababasa ko lang sa libro ay kaharap kona at tintanong kona. Somehow nag add ito ng value sa learning at credibility natin.
At napansin ko before graduation marami sa kabaro ko ang hindi alam ang sanwhich dressing method kaya pinagpapatong patong nila ang mamahaling dressing kaya nag aaksaya ng pera which is bad.
and one major problem ko ay majority ng teaching ko ay middle eastern or north american standard na hindi pwede iapply sa pinas. Realidad ito kaya dito pumasok si mrwound at finally naka collect ako ng napakaraming cases na mas PINOY na PINOY. At syempre ang pagkakaroon ko ng sarili clinic na sinementuhan ang aking credibility sa pag manage ng sugat ksama si doc salinel.
11 years na pala nakakaraan at nakapag publish na rin tayo ng book that will guide our nurses and few clinic and hospital na naturuan natin that continually healing patient wounds kaya kahit paano sa pagsisimula natin, nasa tamang landas tayo.


