DRY HEALING
DRY HEALING
Majority ng PINOY ay naniniwala at sabi ng halos lahat sa paligid mapa medical o hindi ay dapat ang sugat ay TUYO at NAKA SINGAW para MAKAHINGA!!!
Ito ang karanasan ni tatay na naoperahan nun October 2025 pa pero dahil DRY healing kaya lahat ng dumi at fluids naiipon sa loob at buti na lang hindi pa nakatagos, sana! Maga pa kasi kaya mahirap ma check malalaman natin after 2 to 3 days. Advance dressing na ginamit natin dahil mahirap hindi maging maagap dahil ayaw natin ma exposed ang buto at ma assist ang katawan sa fluids. Good thing wala ako napansin na tunneling at erythema sa edges hanggang sa talampakan except madumi sakong ni tatay ![]()
Ito lang po ang simple paliwanag why hindi ito AKMA na pamantayan para mabilis na gumaling ang sugat kaya nag aaksaya tayo ng panahon at pagkakataon dahil mali ang paniniwala.
Kapag DRY hindi makakalabas o mag grow ang new tissue. TInangnan ninyo picture ng before ang after if san parte uusad.
Impairement ng cellular na galawan o mitosis, paano mag divide ang tissue if napakapal ng dumi?
At dapat MOIST hindi tuyo. HIndi ko po opinion ito hah ito po laman ng napakaraming evidenced based articles and journals.
Now kapag nanatiling madumi ang sugat sa ibabaw, so anong mangyayari sa ilalim? Syempre mag hukay at dun magpapa lalim at eventually masayang ang inopera.
BUT ang pinaka dahilan dapat bantayn ng doctor, ang inyong kalusugan. Especially if meron diabetes at iba pang threat o condition na ayaw natin maka apekto sa pagpapagaling.