BAKIT DAW KAILANGAN ALISIN ANG DEAD TISSUE SA SUGAT?
Nun nakaraan may nagtanong sa akin na BAKIT DAW KAILANGAN ALISIN ANG DEAD TISSUE SA SUGAT?
Ganito lang logic dyan, araw araw bakit kailangan natin mag hilamos at mag sipilyo?
Ang sugat ay ganon din kailangan natin linisan para hindi bumaho at hindi mag accumulate ang bacteria. Kapag malinis ang ating mukha at bibig ang mga potential na mag sanhi ng sakit ay maiiwasan.
Sa sugat MAS dapat natin bigyan ng pansin dahil na BREAK na nito ang skin at ang mikrobyo ay mas mabilis na makakapasok sa ating katawan na ayaw natin maging sepsis o infection sa dugo.
At pinaka importante, ang mga dead tissue ay kailangan alisin para tumubo ang bagong cell at makapag repair ito ng maayos.
Lagi natin sinasabi dito kapag DRY ang sugat gamitan ng hydrogel. Kapag naman wet dapat lagyan ng foam dressing para saluhin ang extra fluids na nilalabas ng sugat. IF walang pambili ng foam maaring sanitary napkin ang gamitin ngunit make sure na tama ang panggamit at isa isip na ito ay hack at sinsabi lang natin para may #option ikaw. Ipag paalam sa doctor ang anumang gagawin at monitoring para guided pa rin tayo dahil hindi lang naman sugat tinitingnan natin kundi ang kabuuan na kalusugan ni patient.
Hindi pare parehas ang sugat meron kaya linisan lang sa bahay through mechanical and autolytic debridement pero marami din naman na need talaga ang frequent na linis na maavail nyo lang sa mga wound clinic.
Bottom line, importante na malinisan ang sugat para umusad at bumilis ang paggaling para iwas extended na gastos at potential na infection.