Kalyo o hyperkeratotic tissue
Nakakainis na kalyo!!!
Karamihan ng patient inaakala nila na magaling na kanilang sugat or dahil nababalot ng kalyo kaya ibig sabihin malayo pa sa laman o bituka.
Ang medical na term dito ay keratolytic tissue, isang bahagi ng balat na tumitigas upang magbigay ng protection laban sa friction at pressure dulot ng maling sapatos, mahigpit na medyas, walang stinelas or mali ang stinelas at marami pang iba. Karaniwang agent na pantanggal nito ay tulad ng urea o salicylic acid.
Maaring ilagay ang urea sa healthy skin at hindi pwede sa meron sugat. Ang salicylic acid din ay pwede sa healthy skin ngunit mas hindi dapat ilagay sa sugat bukod sa mahapdi ito, cytotoxic din ito.
Bakit nade-delay ang healing
- Hinaharangan nito ang epithelial migration. Yung keratinocytes sa makapal o naka-roll na edge (epibole) ay dumadami pero hindi gumagapang papasok, kaya hindi umuusad ang edge.
- Nagdadagdag ito ng pressure. Parang foreign body ang callus, kaya tumataas ang local pressure at shear at nasisira ang tissue sa ilalim.
- Tinatago at kinukulong nito ang problema. Natatakpan ng callus ang totoong laki at undermining ng sugat, tapos naiipit ang exudate at bacteria sa wound bed, kaya madaling mabuo ang biofilm at chronic inflammation.

Bakit sumusunod ang hypergranulation
Hindi direktang sanhi ng hypergranulation ang hyperkeratosis, pero pareho sila ng mga driver:
- Dahil sa naipit na moisture, bioburden, at friction, nananatili ang sugat sa matagal na inflammatory at proliferative phase.
- Dahil hindi makatawid ang epithelium, tuloy-tuloy lang ang tubo ng granulation tissue hanggang lumampas sa wound margin.
- Yung nakaangat na granulation ay lalo pang humaharang sa epithelial migration, kaya nai-stall ang sugat.
Paano maiiwasan
- Regular na debridement. Sharp debridement ng callus at non-advancing edges ng trained clinician, inuulit kapag bumalik.
- Offloading. I-redistribute ang pressure at bawasan ang shear gamit ang tamang footwear, casting, o positioning.
- Moisture balance. Gumamit ng absorbent dressing tulad ng foam, iwasan ang sobrang occlusion, at palitan bago ma-saturate.
- Kontrolin ang bioburden. Linisin nang maigi at gumamit ng topical antimicrobial kapag may signs ng infection o biofilm.
- Alagaan ang periwound skin. Barrier film laban sa maceration, at urea-based emollient sa intact skin lang, huwag sa wound bed. Makakatulong ang ating product sa healthy na calluse pa lamang para ito ay lumambot.
- Bawasan ang friction. I-secure ang dressing at i-stabilize ang tubes o devices.
Kapag nag-hypergranulate pa rin
Lumipat mula occlusive papunta sa mas absorbent at less occlusive na dressing, at magdagdag ng light compression kung appropriate. Meron topical cream na pinapahid pero kailangan ito ng reseta ng doctor at evaluation ng marunong sa sugat para masiguro na magagawa ng tama ng dressing at cleaning ng sugat. If hindi pa rin na resolve ito ay kailangan ng I-biopsy para ma-rule out ang malignancy.
Nurse Armzed aka MrWound DM Foot
