Contact layer sa NPWT
Contact layer sa NPWT
Para sa mga kabaro kung nurses here, madalas kapag nag aalis si doc or kayo mismo ng npwt foam ay nagiging madugo ang tissue which is normal naman however may mga granulation tissue na sumasama sa foam. Inshort na trauma ang granulation.
May isang product na lagi nilang ginagamit but ang problem ay lumulusot ang tissue and nag iiwan ng di kaaya ayang image at kapag inalis mo ay madalas kinakapitan ng fibrin.
So ano ang solution? Silicon contact layer
Para hindi ma trauma ang tissue at mag glide ang fibrin na important sa pag crawl ng epethilial tissue ito ang mas okay na gamitin.
Non viable tissue presence
If meron slough, konting necrotic tissue or hindi 100% ang granulation tissue ng wound bed at usually hindi kona ginagamitan kasi kapag nag npwt ka mas ok sa akin dumikit ito at maalis sa ibabaw na bahagi na na develop natin technique sa tagal na natin nag kakabit ng npwt.
Advantage – no bleeding, no trauma sa granulation tissue, pwede sa sugat na laging nadikit ang gasa o wound dressing
Disadvantage – wala syang antibacterial power just silicon layer to protect (critical thinking and MD consult needed)
